Tanggap ko simula palang na di ako maganda. Taggap ko na kinulang sa laki tong hinaharap ko. Tanggap ko talaga na di ako tulad ng ibang babae na may madaming nakapilang manliligaw. Tanggap ko ang katotohanang di ako yung tipo ng maraming kalalakihan. Tanggap ko e na anghirap para sa'kin ang makahanap ng jowang seseryosohin ako. Pero alam mo anong di ko tanggap? Yung ginulo mo ang payapang routine ng buhay ko, kinonfuse sa matatamis mong salita, pinaasang karapatdapat akong mahalin at ingatan, pero bigla ka nalang nawala kung kelan nagsimula na'kong masanay na andyan ka. Ano bang pagkakamali ko? Nananahimik lang naman ako simula palang. Di ko dinasal na dumating ka. Tang-ina. Pano ko kaya ulit mabubuo ang sarili ko dahil sa ginawa mo?All Rights Reserved
1 part