Si Austin David, ay kilalang playboy, aggressive, foul-mouth and hot-tempered. May marangyang buhay ngunit sabik pa rin sa pagmamahal at atensiyon ng kanyang daddy. Simula kasi nung namatay ang kanyang mommy ay naging workaholic na ito at naiiwan siya lagi sa kaniyang auntie na tumandang dalaga. Not until, the new wife arrived, may anak din ito at mas bata sa isang taon kaysa sa kanya. At ang pangalan niya ay si Kit Villalon. Kit, on the other hand, is simple, sweet-nature at mapagmahal. At ang tanging hiling niya ay matanggap siya ng kanyang bagong kapatid. Pero alam niyang malabo iyon dahil sa unang tingin pa lamang nito ay ayaw na nito sa kanila ng kanyang ina. Pero hindi siya nag'give-up at ginawa niya ang lahat para matanggap siya ni Austin. At sa di inaasahang pangyayari ay nahulog ang loob nila sa isa't-isa.