"Bakit hindi ako?"
"Bakit ako pa?"
"Kaya ba ako?"
Ito ang mga karaniwang katanungan natin pagdating sa pag-ibig.
Tatlong katanungan,
Tatlong kasagutan,
Tatlong anggulo...pero kung maramdaman natin tila isang daang anggulo sa sobrang gulo...sa sobrang komplikado...sa sobrang sakit.
Ito ay kwento ng isang ordinaryong babae.
Isang kwentong naglalaman ng tatlong anggulo.
Isang kwentong nagpapatunay na sa bawat anggulo, may rason kung bakit masakit, kung bakit magulo, at kung bakit hindi para sayo.
Ito ay kwento ni Vary Leroi Siargao.
Ito ang mga tatlong anggulo,
Tatlong kwento,
Tatlong sulok ng pag-ibig.