Rara
  • WpView
    Reads 11
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Fri, Apr 4, 2025
WpInfo
Fiction
Fantasy
Salamat at ika 111 na taon na pala ngayon, ibig sabihin oras na sa paggising, bahagyang sambit ni Neraida. F I L I P I N A S 1888 Isang pana na may lason ang baon na baon sa isang matayog na puno ng balete. Kasing bilis ng kidlat ang animo'y pagdating nito na di man lang namalayan ng binata. Sino ba ang nariyan, magpakita ka!, sigaw ng binatang lalaki na nangangaso ngayon sa kalagitnaan ng madilim at masukal na gubat. Nakatayo siya sa paanan ng napakalaking balete na nilulumot na at halos 10 tao ang makakayap sa laki nito.Isang palaso na naman ang madiing tumusok sa paanan ng puno na halos matamaan ang kanang paa ng binata. Magkahalong pagtataka at pangamba ang nararamdaman niya ngayon dahil di niya makita o maaninag man lang ang umaatake sa kanya. Senorito!!!! Senorito... ikaw ay nasaan? pagpupursiging sigaw ng tatlong guardia civil na ngayon ay alalang alala sa nawawala nilang amo. Agad ninakaw ang atensyon ng binata sa umaalingawngaw na sigaw ng tatlong lalaki na alam nya ay ang mga guardia na ngayo'y naghahanap sa kanya. Ako ay naritoo....!! sigaw nyang pabalik habang itinaas ang dalawang palad at itinapat sa kanyang mga labi para mas maging malakas pa ang bawat alon ng tunog sa kanyang boses. Agad naman namalayan ng sulok ng kanyang mga mata ang biglaang pag galaw ng mga talahib sa di kalayuan na animo'y may kung anong hayop ang tumakas. Agad naman napatakbo ang Senorito para maabutan kung anong nilalang ang naroroon. Hingal na hingal siya ng maabutan nya ang mga alikabok ng pinaghalong ginto at pilak na mistulang naglalaro sa hangin. Walang pagdadalawang isip na hinawan nya ang mga nakaharang na dahon at tila may hinahanap. Dismayado ang mukha nya ng wala siyang nakita. --------------------------------- Tunghayan ang istorya ni Neraida. Saya ba kaya ang maidudulot sa kanya sa taon na ito o walang hanggang kasawian.
All Rights Reserved
#357
fairies
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • The Lost City Of Biringan (The legend of Love)
  • They All Abandoned Me
  • Posh Girls Series Book 1: Paige (Completed_Published under PHR)
  • Ms.Nerd The Long lost Princess in the Olympus Academy            (COMPLETED)FS#1
  • The Ravels (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
  • BS#2: When The Billionaire Owns You -COMPLETE-
  • After The Vacation in Panggasinan (Season 1 On-going)
  • She's Dreaming (Completed)
  • WHO ARE YOU?
  • Midnight Rain
WpActionLinkContent Guidelines