Diana Suzanne Aquino - nag iisang anak ng isang kilalang Businessman at kilalang Obstetrician-Gynecologists. Nag aaral bilang isang Chemical Engineer. Dahil nga sa araw araw na busy ang kanyang parents ay hindi na nila naasikaso ang kanilang kaisa-isang anak at naiiwan ito sa kanilang bahay kasama ang mga katulong nila at ang driver. Mula sa damit, pagkain at iba pa niyang pangangailangan papunta sa mga luho niya ay ibinibigay ng kaniyang mga magulang. Sa tuwing hihingi ito ay binibigyan kaagad siya ng pera na malalaki ang halaga. Dahil kulang nga sa atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang ay kung saan na niya nawawaldas ang kaniyang pera, party dito party doon. Naka ilang palit na sila ng mga katulong dahil sa palagi niya itong sinisigawan at wala siyang respeto sa mga ito hindi siya marunong magkaroon ng awa at magmahal, at si Nanang Tere lang ang nagtagal bilang kanilang katulong. Maaari bang magkaroon ng pagkakataon na matuto siyang magmahal? Kanino niya kaya ito madarama sa unang pagkakataon? Paano niya ito haharapin at ano ang gagawin niya?All Rights Reserved