Sabay na isinilang ang dalawang Prinsesa ng Hilvano ngunit ipinaglayo sa magkaibang mundo upang ma-protektahan ang isa sa kanila. Iisa ang mukha ngunit hindi ang tungkulin na ginagampanan nila sa kanilang kaharian. Si Ambrosia at Amandra ang Prinsesang magkakambal ng kahariang Hilvano na kung saan ang naninirahan dito ay purong Bampirang Diwata. Nang dahil sa kagulohan ng kanilang mundo ay may hindi magandang kaganapan ang naganap dahilan para magbago ang ikot ng kanilang mga mundo. Nagsimula ang digmaan sa magkabilang nilalang sa bawat kaharian. Buhay ang naging kabayaran ng bawat angkan upang mabayaran ang kanilang mga kasalanan. Isa sa magkakambal ang nagbayad ng kasalanang di niya ginawa, isa sa kanila ang naging kabayaran ng galit sa isang Hari. Walang sino man ang nakakaalam na may isinilang na Prinsesang magkakambal sa kaharian ng Hilvano sapagkat ang isa sa kanila ay lumaki sa mundo ng mga tao. Nang dahil sa galit ng Hari ay tuloyang nagbago ang ikot nang mundo ng magkakambal. Ang galit ng hari ang naging daan upang malaman ng mga Bampira na dalawa ang Prinsesa ng Hilvano at matagal itong itinago sa mundo ng mga tao. Isa sa kanila ang pinagbayad sa galit ng Hari upang matapos ang digmaan sa pagitan ng kanilang mga kaharian. Ano kayang mangyayari sa dalawang magkakambal na gayong galit na galit na ang Hari ng mga Bampira? Bakit isa sa kanila ang pinagbayad sa galit ng Hari? Magkakaroon kaya ng kapayaan ang bawat kaharian?
63 parts