Bata pa lamang si Valerie ay hindi na niya naranasan na may isang ina na aagapay sakanya sa paglaki, naranasan din niya ang pagkakaroon ng broken family sa murang edad, pangungutya ng ibang tao, pangmamaliit at kung ano-ano pa na makakasakit sa buong pagkatao niya. Bata pa lamang ay palaban na sa lahat ng pagsubok na ibinabato at ipinaparanas sakanya ng mundo. May mga laban na nananalo at mayroon din naman na talo, ganun naman talaga ang buhay diba? Ang importante ay patuloy kang lumalaban at hindi nawawalan ng pag-asa. Pero hanggang saan aabot ang pakikipaglaban mo kung sarili mong buhay mismo ang hindi mo naipanalo? She won at the final stage of battle but that's also the end of her life