Ang totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig at pagmamahal upang magtuloy-tuloy ang pag-usbong ng halaman. Parang sa pag-ibig na kapag naalagan ng tama at nabigyan ng atensyon, tutubo ang walang hanggang pagmamahalan. Kapag naman ito ay nailagay sa maling lupa at pilit na pinapatubo ng walang pagmamahal, darating ang panahon na ito ay malalanta at tuluyang mamamatay. Sa tamang oras at panahon itutuwid ang pagkakamali. Isisilang muli ang bagong simula, bagong pagkakataon at bagong pag-ibig na siya namang unti-unting pagsilip ng gandang taglay ng Plumeria.