Inatake ng sakit na makakalimutin si Lucia kaya naiwanan niya ang kanyang lumang diary sa ilalim ng punong kahoy na pinagtatambayan niya kapag wala siyang klase. Sa kabilang banda ay kakatapos lang makipagsuntukan ang grupo ng apat na studyante na kilala sa pangalang The Aces ng pinapasukang paaralan. Pinili nilang magpahinga muna at napadpad naman sila sa lilim ng punong-kahoy kung saan ay natagpuan nila ang isang lumang diary. Love; Lucy.. Ps: "wag mong basahin kung judgmental ka.. (dated: Aug. 22, 2015) Ps-2x: "wag mo ulit basahin baka ma-inlove ka pa.. (dated: Aug. 22, 2020)