"Ano nga ba ang pag-ibig? at kailan mo ba matatawag na 'pag-ibig' ang pag-ibig?" Si Lewis Cameron ay halos perpektong tao na nga daw kung ide-describe. Matalino, talentado, may pera at maganda. Sabi pa nga ng iba, isang tanong mo lang daw dito ay masasagot na niya. Isa sa mga dahilan kung bakit tinitingala at iniiwasan siya ng karamihan. Ngunit nagbago ang lahat ng minsang hindi niya masagot ang tanong na; "Ano nga ba ang pag-ibig? at kailan mo ba matatawag na 'pag-ibig' ang pag-ibig?" Sa unang pagkakataon ay wala siyang naisagot na ibinato sa kanya, bagay na nagtulak dito na kumilos hindi lamang para makuha ang sagot sa tanong na iyon kundi para na rin malaman kung sino ang lalaking nagbigay noon sa kanya. Hanggang saan kaya siya dadalhin ng kagustuhan niya? Malalaman pa kaya niya ang sagot sa tanong na iyon o mananatili iyong kaisipan sa kanya? Kasagutan lamang ba kaya ang matatagpuan niya o may nakahandang iba pa para sa kanya?