The Gangster Queen Accidentaly Fall From the Portal Through the Ancient Time.
27 partes Concluida PROLOGUE
"Pakshet naman!"
Iyan ang tanging bulong na lumabas sa bibig ko. Humahangos ako, ramdam ang bawat kirot ng sugat sa tagiliran ko.
Basang-basa ng pawis ang itim kong maskara, pero matalim pa rin ang tingin ng mga matang sanay na sa dilim.
Sino ako? Si Precious Sofia Park, ang
Gangster Queen na walang kinatatakutan. At ngayon, ako ang hinahabol ng mga hayop na 'to.
"Queen! Walang kang takas!" sigaw ng isa sa kanila.
Narinig ko ang pagkasa ng mga baril sa likod ko. Napairap ako. Isang maling galaw, katapusan ko na. Pero hinding-hindi ako susuko sa mga gagong 'to.
Nang marating ko ang dulo ng bangin, napatigil ako. Sa ibaba, tanging itim na kawalan ang bumungad. Isang bunganga ng impyerno.
Lumingon ako sa kanila. Lima silang nakangisi, may hawak na baril at machete.
Ngumisi ako-yung ngising alam nilang hudyat na may gagawin akong katarantaduhan.
"In your dreams, boys," bulong ko.
Hindi na ako nag-isip. Isang hakbang paatras. Freefall.
Akala ko, mararamdaman ko ang pagkadurog ng buto ko. Pero habang bumabagsak ako, parang nayanig ang buong mundo.
Isang nakakasilaw na liwanag ang biglang sumabog sa harap ko, at ang huling naramdaman ko ay ang pagtama ng likod ko sa isang matigas na bagay.