Paglalaro. Nakakapawi ng lungkot. Panandaliang paglimot sa mga problema. Pampalipas oras. Masaya para sa mga bata, libangan para sa nakatatanda. Masaya hindi ba? Nakakaaliw. Kaso nga lang, hindi lahat ng laro ay masaya. Lalo na sa aspeto ng L-O-V-E. Isang bagay na hindi dapat ginagawang laro, hindi ka dapat nakikipaglaro. Dahil kapag dumating ang panahon na nasaktan ka, matatauhan ka na lang at masasabi mo na lang na "Ako na nga ang nandaya, ako pa rin ang talo". Paano na kaya kung mahalin mo na ang tinuring mong laro? Huli na ba para mag time-out, game over na ba? O kailangan mo pa ng Replay? Replay? Hindi. Dapat seryosohin mo na.