Si Maxie na ang buong pangalan ay Maxiemus Aoki Imperial ay isa lamang na baguhang agent. At ang kanyang kauna-unahang misyon ay hindi naman mahirap. Ang kailangan lang naman niyang gawin ay ang protektahan ang isang lalaking sunod na magmamana sa kayamanan ng kanyang ama. Kailangan lang niyang bantayan si Duke Zachary Montenegro na hindi nagpapahire ng kahit sinong babae para maging kan'yang empleyado. Napakadali lang diba? Pero hindi! Hindi madali dahil isa siya sa mga kalahi ni Eba. Isa siyang babae. At isang malokong ideya ang pumasok sa kukote ng kaibigan niya na kaniya ring ginawa. Wala eh...no choice. Kaya kailangan niya tuloy magpanggap bilang lalaki. Mabuti na lang at gwapo pala siya. Pero dahil sa kagwapohan niya. May posibilidad pa yatang maging bakla si Duke Zachary. ...All Rights Reserved