Please read my own story!
Thankyouuu!❤️
"Sigurado kana bang aalis kana talaga?" Malungkot na saad ng batang babae sa batang lalake.
"Oo, kailangan e. Sorry ha, pero promise ko sayo babalikan kita. Pag balik ko, pakakasalan kita." Nakangiti nitong sabi sa batang babae.
"Promise yan ha?" Nakangiti ngunit naiiyak na saad ng batang babae.
"Promise, pinky swear!" Masayang sabi ng batang lalaki.
Ngumiti na lamang ang batang babae kahit na malungkot pa rin ito. Iginugol na lang nila sa paglalaro ang lahat ng natitirang oras ng lalaki, bago ito umalis. At sa huling pagkakataon, niyakap niya ang batang babaeng una at huli niyang mamahaling babae sa buong buhay niya.
"Wag ka nang umiyak, gusto kong maging matapang ka. Ayokong magpaapi ka ulit sa mga bad bullies ha? Gusto kong labanan mo sila ha? Mag iingat ka palagi, alagaan mo ang sarili mo habang wala ako. Promise, babalikan kita. Mahal kita, Iyah ko." Naiiyak na saad ng batang lalaki sa batang babae. Sa huling sandali niyakap niya ito, hinalikan sa noo. Tumalikod na ito at nagsimulang lumakad papaalis.
"Hihintayin kita Liam ko, sana'y matupad mo ang pangako mong babalikan mo ako. Magiging matapang ako para sayo at para na rin sa sarili ko."
g_c_n_p_n