"Siya, kapag kasama ko siya. Nararamdaman ko na 'di ako nag-iisa, yung tipong kaya kong ibigay ang lahat ng kasiguraduhan ko sa kanya. Siya, siya yung taong 'di ko inaakalang makakasundo ko, sa saya at hirap ng buhay ko. Siya, siya yung pinaka unang tao na nakapag-paramdam sa akin na mahal na mahal nya ako. Sya. Sya, yung taong iiwan at papaiyakin din ako ng husto." Ako si Gemari Castillo. Laking probinsya. Caticlan to be exact. 'Di ako naging mang mang sa Maynila dahil sa aking kaibigan. Sya si Jace. Ang taong kasama ko sa paglalakbay ko sa aking buhay. Sa hindi inaasahang pagkakataon, naiwan na lang akong mag-isa. Di ko alam kung paano nangyari at 'di ko rin alam kung ano ang dahilan ng pagkawala nya. Basta para sa'kin, handa akong mag-hintay kahit gaano pa 'yan katagal.