Sabi ni G. Marcelo Santos III, isang kilalang manunulat, sa kaniyang nobelang Para sa Broken Hearted, "Ang pag-ibig minsan hindi mo makikitang darating pero kapag aalis na, bukas mata mo pang mapagmamasdan." Ito ay kuwento kung paanong ang isang bagay ay magsisimula mistulang isang panaginip. At magtatapos ito bilang isang panaginip. Ipapakita dito kung paano napagbabago ng pag-ibig ang isang tao. O kung paano tanggapin ng isang nagmamahal ang kanyang kabiguan. Ito ay para sa mga katulad niya na lubos na nagmamahal ngunit patuloy na nasasaktan. Nawa'y ang kwento ni Sky ang maging daan niyo sa pagtanggap ng mga bagay na hindi mo maisip na harapin, ngunit alam natin na kailangan mong tanggapin.