Magkaparehong ilap sa mga tao ang isang bakla at isang ubod ng malditang babae kaya hindi nakapagtataka na nakahanap sila ng kakampi sa isa't isa. Kung si Gianlorenzo'y may pusong babae, si Rasselle naman ay walang puso. Kung si Gianlorenzo'y takot sa panghuhusga ng mga tao kaya kusang lumalayo, si Rasselle naman ay nilalayuan sa angking bagsik na taglay nito. Despite their differences, they found solace in each other's arms. 'Us Against the World' ang drama nila na kahit ipinagkasundo sila sa isa't isa ng mga magulang nilang matalik ding magkakaibigan, ay okay sa alright lamang ito sa dalawa. Nakikinita na nga ng binata at dalaga ang panghabang-buhay na friendship kasama ang isa't-isa and they knew they could be nothing more than that kasi alam niyo na, eewww lang... Subalit isang napakalaking away ang namagitan sa dalawa na nagresulta sa tuluyang pagkasira ng kanilang iniingatang pagkakaibigan at ang pagtira ni Gianlorenzo sa USA para layuan si Rasselle. Many years later, maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng dalawa. Yung babaeng palaban at kinatatakutan noon, kinakaya-kaya nalang ngayon. At yung baklitang pumipilantik at loner noon, isa ng, JUSKO LORD! *gulps* drop-dead-gorgeous Adonis na nag-uumapaw ang sex appeal at confirmed LALAKI as in capital L-A-L-A-K-I na ngayon! Dagdagan pa ang kaguluhan ng biglaang pag-uwi ni Gianlorenzo sa Pinas at pagkuku-krus ng landas ng mga version 2.0 ng dalawa. Magkakasundo pa kaya silang dalawa sa oras na malaman nilang the marriage agreement still stands? Eh paano naman kasi magiging agreement 'yun,diba? Baka nga magkaisa pa sila to break off the marriage!
7 parts