Ang maningning na buhay ng binatang si Marcus Hendrix Denovan ay biglang nabalot ng dilim pagkatapos ang malagim na aksindente. Ang kinahiligan nitong sports ay siya ring naglalagay sa kanya sa isang sitwasyon na hindi niya inaasahan, nagdudulot ito ngayon sa kanya ng matinding kalungkutan at depression dahil sa isang iglap ay naglaho ang mga pangarap niya. Hindi na siya makakalakad pang muli at nawalan din siya ng paningin na nagbigay dilim sa kanyang maningning na mundo. Ang tanging tao na nagbibigay sa kanya ng pag-asa at saya sa gitna ng kalungkutan ay bumitaw na sa kanilang relasyon at pinili ang kanyang karera sa ibang bansa kaysa manatili ito sa tabi niya. Kung noon ay nagagawa pa nitong lumabas ng kwarto, ngayon ay wala na siyang dahilan para mabuhay. Pakiramdam niya ay wala na siyang silbi kaya siya iniwan, kaya siya mag-isa ngayon. Nawalan na ito ng ganang mabuhay na halos hindi ginagalaw ang pagkain, madalas ay pinipulot iyon ng mga katulong sa sahig kasama ang basag basag na plato. Babalik kaya ang sigla nito kung marinig kaya niyang muli ang boses ng taong mahal niya sa katauhan ng iba? Ano ang magiging papel ng estrangherong ito sa buhay ng binata? Napapagpabago kaya niya ang isip nito upang pumayag na magpagamot sa ibang bansa, ang tanging nag-iisang paraan upang makalakad at makakita siyang muli?All Rights Reserved