posible bang makalimutan ka ng taong minahal ka ng sobra? posible bang makalimot ang puso? Si Laurene ang babaeng nagpabago sakin. Sya ang umintindi, at nagmahal sakin pero bigla nalang syang nawala na parang bula. Ilang taon na rin magmula ng iwan nya ko pero ewan ko ba sya pa rin ang hanap ng puso't isipan ko. Inalis ko muna ang isip kay Laurene at muli kong ibinalik ang tingin ko sa daan para mag-antay ng jeep na masasakyan. Napataas ako ng kilay nang may isang jeep na huminto sa harapan ko. "Miss sakay ka?" "Nakita mo ba kong pumara?" pagsusungit ko. "Sungit mo naman." Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanya at nabaling ang tingin ko sa mga pasahero na nasa likod nya. Para na ngang mga sardinas ang mga tao sa likod nagawa pa nyang magtawag. Habang patuloy akong nakatingin sa mga taong sakay nya ay napako naman ang tingin ko sa isang babae na pasahero nya. Mahaba at kulot ang buhok ng babae, at kagaya ni Laurene maganda at maamo rin ang muka nito. Agad na umandar ang jeep at agad ko namang inihakbang ang mga paa ko para habulin un. "TIGIL!" sigaw ko. Agad naman na tumigil ang driver. "Akala ko hindi ka sasakay?" rinig kong sabi nya pero hindi ko lang sya pinansin. Dali-Dali kong itinaas ang mga paa ko para makapasok sa jeep. Tumigil ako sa harapan ng babae na kamukang-kamuka ni Laurene. "Laurene?" napangiti ako nang tumingin sya sakin. At Lalo pang lumaki ang ngjti ko nang masilayan kong muli ng malapitan ang napakaganda nyang mga mata. Niyakap ko sya dahil sa sobrang tuwa, pero... Nawala ang saya ko nang may sabihan sya sakin. "Ahmmm miss kilala ba kita?