KUMPISAL Makailang ulit nang sinubukang pangunahan ang hinaharap. Lahat nagnanais na matuklasan ang kahihinatnan, ang pag-aalinlangan sa mga desisyong walang kasiguraduhan at ang takot na hindi na maibabalik ang panahon. Malapit na ang paghuhukom. Natatakot ka na ba? Mula sa sinasabi ng banal na kasulatan, sa ating pagkasawi, tayo'y haharap sa hukuman. Isang paglilitis ang ating kahaharapin, magbibilangan ng mga gawing mabubuti at hahatulan kung ano o saan tutungo pagkatapos ng kamatayan. Walang kasiguraduhan ang pagdating ng taga sundo, maaaring bukas, sa makalawa, sa susunod na taon, o maaring katabi mo na siya. Magbilang ka na, simulan mo nang mag-isip kung ano mas dominante, mabuting gawi o masama. Ito ang tanging batayan sa paghuhukom na darating. Ngunit... kaya mo bang aminin ang iyong mga kasalanan? Ang paglilitis ay hindi isasagawa ng harapan ng mga Santo, o kahit na sa sinong alagad ng Diyos, haharap ka sa mga taong nagawan mo ng kasalanan. Kaya mo bang sabihin ang lahat ng iyong itinatago ng walang takot at pag-aalinlangan? KUMPISAL Simula ngayong 2020, tuwing sasapit ang ika-7 araw ng bawat buwan, sisimulan ang paghahatol. PITONG makasalanan ang MANGUNGUMPISAL sa harapan ng kanilang mga nagawan ng kasalalan. Kasama ka sa pagahahatol. Bakit? Baka ikaw ang nagawan ng kasalanan, ikaw ang dahilan ng kasalalan, may kinalaman ka sa kasalanan o ikaw ang tunay na may kasalanan. Sino ang magsasabi ng totoo? Sino ang mas makasalan?All Rights Reserved
1 part