Si Scarlet Montreal ay ang bunso sa pamilyang montreal. Ang pamilyang montreal ay isa sa pinakamayaman at kinakatakutan sa siyudad nila. Isa siyang magandang babae. Kung titignan mo ay para itong perpektong nilalang dahil may makinis itong balat, matangkad at matalino na minsan mo na lang mahahanap at makikita sa ibang babae. Madaming nahuhumaling na kalalakihan sa taglay niyang kagandahan at katalinuhan ngunit hindi nila ito kailanman kayang lapitan o maligawan manlang dahil sa ugali nitong hindi kagandahan. May pito itong kuya na lagi siyang pinoprotektahan at minamahal. Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa nagkakaroon si scarlet ng kasintahan dahil natatakot sila at hindi nila kayang makitang nasasaktan at lumuluha sa maling tao ang pinakamamahal nilang bunsong kapatid na si scarlet. May pitong lalaki na magiging kaklase ni scarlet sa stanford university kung saan sila nag-aaral ngayon. Sikat sila sa unibersidad hindi lang dahil gwapo sila kundi sa pagiging bad boy. May isa ba sa kanilang pito ang magugustuhan at mamahalin ni scarlet o kaya may mamahalin siyang iba at wala ito sa pito? ❤