Anim na taon. Sa loob ng anim na taon, isa lang naman ang hiniling ko. Iyon ay ang mahalin mo rin ako. Hindi naman siguro ganoon ka hirap iyon. Ngunit noong nagawa mo na, ano ba dapat ang kasunod na hakbang? Ano nga ba ang kasunod ng mahalin ka pabalik? Ano ba ang kasunod matapos kong marinig na mahal mo rin ako? Ang sabi mo'y kumapit lang tayo sa isa't isa. Ngunit hanggang kailan? --- LANGUAGE: FILIPINO GENRE: CHICKLIT, ROMANCE