Si Aeshynn Brielle Castroverde ay maagang naulila sa magulang at mga kaibigan dahil sa isang kaganapang hindi niya inaakalang mangyayari at ang mas malala pa no'n ay siya mismo ang nakasaksi kung paano patayin ang mga ito. Punong-puno ito ng paghihiganti sa matandang iyon, nais niyang iparanas sa kaniya ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay. Ngunit paano kung ang minamahal nya na ang mismong humadlang no'n? Ipagpapatuloy niya parin ba ang paghihiganti? Isasakripisyo niya na lang ba ang lahat ng kaniyang plano para sa pagmamahal?