Naniniwala ba kayo sa kasabihang "Pagbalik-baliktarin man ang mundo, kung ang dalawang tao ay nakatadhana para sa isa't isa, magtatagpo at magmamahalan sila?"
Paano kung pinaglaruan sila ng tadhana? Pinagtagpo ngunit naging malabo. Pinagtagpo ngunit sabihin nalang natin na may isang malaking problema.
Meet Killian Maxton Smith, ang heartthrob ng McKenzie University. Mayaman, mabait ngunit may pagka-maiyakin, sweet, at-actually lahat lahat na ng ideal qualities ng isang prince charming ay hinakot niya. Halos lahat ng mga babae ay pinagkakaguluhan siya. Pero paano kapag may isang taong ubod nang yabang ang dumating at inangkin ang pinanghahawakan niyang "heartthrob" na titulo? Magpapatalo ba siya?
Meet Maxzielle Vasconcellos, ang super yabang pero puno naman ng kaartehan, half mabait, half maldita, mayaman, at ubod nang ganda ngunit tibo naman. Kaya niyang mapasagot ang mga babae sa isang simpleng pagkindat niya lang. Pero paano kapag may isang taong punong-puno sa sarili ang bumangga sa kanya? Aatras ba siya?
Paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? May pag-asa kayang mabago ang pusong tibo? Posible kayang ang dalawang magkaaway ay maging magka-ibigan? Malagpasan kaya nila ang mga pagsubok dulot ng nakaraan?
Posible kayang maging girlfriend ng isang taas-noong heartthrob ang isang mayabang na tomboy?
Abangan.....
- - - - -
A/N
Find the title cliché? Yes. But aren't you curious what lies beyond this beautiful story? Unusual twist, past and present, secrets unfold, courage and sacrifice, holding on and forever. I tell you, mine is different.
I hope you'll read 'Ang Girlfriend Kong Tomboy'.
Thank you very much! ❤️
UsuallyUnusual,
10aqua19
START: May 22, 2020
(ONGOING)
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.