"Wala ka talagang kwentang bata ka." yan ang bumungad sa kanya ng bumaba sya sa hagdan. " What kind of grades is this again? Bat may bagsak? Palagi ka nalang bang ganito. Ang mahal ng tuition mo, pero sinasayang mo lang. Ano bang ginagawa mo sa school at nagkakaganyan ang grades mo? Hindi mo ba iniisip mn lang ang mga paghihirap at pag sisikap namin para lang maka-pag aral ka? Hindi na nga kita pinapakealaman sa mga ginawa mo. Kung sana nandito yung ate mo, hindi sasakit yung ulo ko." Yan ang iilan lang sa mga masasakit na salita na nakukuha nya sa nanay nya. Pero di nalang nya pinapansin dahil kahit anong gawin nya, para maging best sa paningin ng mama nya kamalian lang niya ang nakikita nito. At ang masaklap lage syang kinokompara sa taong wala namn sa bahay nila. Sa ate niya. Lahat ng hinanakit nya ang nag udyok sa kaniya na maging rebelde, bulakbol, at gala. Sa mga panahong yun ay may nakilala syang lalake na akala nya ay ang taong magbibigay sa kanya ng attention, pagmamahal, pagkalinga at higit sa lahat hindi sya kinokompara kahit kanino dahil yun lang namn ang gusto nya na hindi kayang ibigay ng mga magulang nya sa kanya. Ang mahalin bilang sya... ( So guys this my first story na nilagay ko sa wattpad. So please kung may kamalian mn just bear with me. Im just a newbie. Kamsa💓)All Rights Reserved