Grabe! Now lang ako humanga ng todo sa isang Singer. Lea Salonga,Gary Valenciano,Martin Nievera,Sarah Geronimo at madami pang iba lahat sila magagaling sa larangan ng pag-awit hinahangaan ko sila pero kailan man hindi ako naging fanatic alam niyo yun ?! Sa batch ng little Big Star Hinangaan ko sila Sam Concepcion at Makisig Morales.Sa Pinoy Dream Academy naman sila Ate Yeng At kuya RJ Jimenez. Siguro nga may pagkapihikan ako sa pagpili ng iidolohin ko .Ako kasi yung tipo ng tao na hindi lang sa galing tumitingin sinasama ko din yung personality.Kahit magaling ka kung may attitude ka hindi ka uubra sa taste ko ;) Hehehheheh Sa mga singers Mas naapreciate ko yung mga mang-aawit na galing sa puso yung pagkanta Like Jed Madela ,RJ Jimenez at madami pang iba. Grabe! tong batang ito Nakuha niya ang paghanga ko at madaming pang tao.Hindi lang sa galing niya sa pagkanta bagkus pati nadin sa pinakita niyang ugali at pagiging down to earth. How I wish dumami pa ang katulad niya :)