Dahil sa isang trahedyang naging dahilan ng pagka ulila ng isang Jeshillia Isidro, nagbago ang takbo ng kanyang buhay at naiwan sakanya ang kambal na siyang naging lakas niya upang bumangon ulit at magpatuloy sa buhay. Ang kambal na hindi man sakanya nanggaling, dugo at pawis ang kanyang ipinundar maging masaya at mabigay lang ang lahat ng kailangan nito. Paano kung isang araw, may biglang magpakitang isang napakagwapong nilalang at magpapakilalang tiyuhan ng mga anak mo? Paano kung isang Miguel Fierre Neval ang bubungad sa pinto ng bahay mo at walang habas na iaanunsiyong kukunin ang mga pamangkin daw niya kuno... Kaya kayang mapigilan ni Illia ang atrkasyong nararamdaman sa binata huwag lang mawala ang mga anak niya? Kaya niya bang labanan ang nararamdaman sa binata huwag lang makuha ang kambal? O magpapatangay nalang siya sa agos at maging marupok sa mga nangungusap na mata ng gwapong panira sa buhay niya?