I was eighteen when I fell in love with this boy named Bryce Guevarra. Si Bryce ay hindi katulad ng mga lalaking nasa libro, na sobrang gwapo at sobrang bait to the point of perfection. Pangit si Bryce manamit, hindi rin siya palangiti, at mayroong kagaspangan ang ugali niya. But despite all that? I still fell for him. Minahal ko siya nang buong-buo, kasama na ang mga kapintasan at kamalian niya. But then, one big thing happened. At nagkalayo kami... And after five years, akala ko ay nakalimutan ko na siya, akala ko ay nakabangon na ako mula sa pagkakahulog, pero hindi pala. I kept falling for him, deeper and deeper.