Hindi kayang magsinungaling ng mata. Paano kung sa paghahabol mo sa isang tao ay bigla kang madapa sa katotohanag ibinaon na ng tadhana sa hukay kasama ng trahedya? Paano kung naghahabulan lang kayo ng taong iyon dahil malaki ang pagkakautang mo sa kaniya? Ako si Dex, minsan na akong binulag ng katotohanan at paniniwalang pinakain ng mga magulang ko sa akin, binusog sa nakalalasong putaheng niluto ng ganid at kasuklaman. Sa kabila ng madilim kong nakaraan, ang katuparan ng kanilang pinapangarap sa aking maging malinaw lahat sa paligid ay ang pagkasira ng buhay ng nag-iisang taong naging ilaw sa puso kong matagal nang kinulong ng dilim. Hiniling ko na lang na maging ibang tao. Ang kaniyang buhok, kaniyang balat, kaniyang nga labi, kaniyang nga mata. Kahit hindi ko pa nakita, alam kong nakamasid ka pa rin mula sa malayo at naghihintay ng tamang oras at panahon, ng tamang lugar at tagpuan kung saan katulad nang dati-nakabantay ka pa rin, Manuela.