IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
  • LECTURAS 198,612
  • Votos 5,530
  • Partes 50
  • LECTURAS 198,612
  • Votos 5,530
  • Partes 50
Concluida, Has publicado may 24, 2020
Contenido adulto
Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. 

Sa murang edad, nakaramdam ng pag-ibig si Bella Carina sa binatang apo ng Señor Freigo; si Señorito Primo na malimit lamang kung bumisita sa mansion dahil sa Italya ito namamalagi kasama ang ina.
Katulad ng karamihan, pulubi lamang ang tingin ng Señorito sa batang si Bella. Ramdam din ang pagiging mailap at pagka-disgusto ng Señorito kay Bella. Sa paglipas ng panahon at sa muling pagbalik ng Señorito Primo sa mansion, ang batang pulubi noon sa paningin niya, ngayon ay dalaga na.

Mababago kaya ang tingin ng Señorito kay Bella? At ano ang hindi inaasahang pangyayari ang magpapababago sa takbo ng mga buhay nila?

Started: May 27, 2020
Finished: July 12, 2020
Todos los derechos reservados
Regístrate para añadir IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION] a tu biblioteca y recibir actualizaciones
O
Pautas de Contenido
Quizás también te guste
When He Cries de TheLadder89
22 Partes Concluida
Palagi nating nakikita, nababasa at napapanood na ang lalaki ang knight in shining armor na tagapagligtas ng mga babae nanganganib o nalulugmok at ang mga babae naman ang damsel in distress na kailangan ng tagapagligtas sa kapahamakan at tagabuo ng durog na puso. Paano kung ang lalaki naman ngayon ang nasaktan, nadurog, at kailangan ng tagapagligtas? Ano ang gagawin nila kung sila naman ang nalugmok at kailangan ng mag-aahon sa dilim pinagsadlakan sa kanila ng pangit na karanasan sa pag-ibig? Isang matalinong tao, alerto at mapagmahal, at gwapo. Pagdating sa pag-ibig ay buhos-buhos siya. Nasaktan nang niloko at hiwalayan ng nag-iisang babaeng tanging minahal, upang matuklasan lamang niyang may iba na pala ito. Ilang beses pa ba niya ipagwawalangbahala ang mga senyales na matagal na niyang nakikita. Sapat na ba ang pag-ibig niya para mapanatili ang kasintahan sa kanyang piling? Isang mabait siyang anak, maganda at matalino. Kabaligtaran naman siya pagdating sa pag-ibig. Harapang niloloko ng kanyang kasintahan ngunit pikit-mata niyang tinatanggap kahit na malayo siya sa pamilya niya. Ilang beses pa niyang lulunukin ang kanyang pride bago siya magising sa katotohanang hindi naman siya totoong mahal ng kanyang iniibig? Isang umaga, nagising na lamang siyang tapos na ang lahat para sa kanya. Pagod na siya at wala nang nararamdaman para sa kasintahan. Kaya napagpasiyahan niyang tapusin na ang lahat. Si Teacher Maine at Doc Alden ay pinagtagpo ng tadhana sa hindi inaasahang pagkakataon. Dalawang taong may kakaibang pinagdaanan sa pag-ibig na pinagkrus ang landas ng isang manipis na dingding at apartment dumpster. Parehong nagmahal, isang natauhan at isang nabigo. Parehong niloko ngunit ang isa ay hayagang bumangon at ang isa ay nagkukubli. Parehong umibig, parehong niloko, parehong sinaktan, isang nagising sa katotohanan at isang hindi makausad. When He Cries ©All Rights Reserved February 16, 2020 Photo cover: Desygner
Quizás también te guste
Slide 1 of 10
Bride of Alfonso (Published by LIB) cover
Back To Life Again  cover
I Just Want to be Happy [Completed]  cover
SUDDENLY IT'S LOVE cover
Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed) cover
The Lost Guevarra's Heir [COMPLETED] cover
BELLA: Blood or Heart  cover
Memories of the Wind cover
When He Cries cover
It's never too late to start over again (Coffee and cake 1) cover

Bride of Alfonso (Published by LIB)

31 Partes Concluida

"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)