Paano kung ang mga author, directors, script writers, journalists, atbp. ay mga "Jejemon"? Maiintindihan pa kaya natin sila? O baka, tayo'y mapa"IkHuAw LhUaNq ShUaPaT NaH" din? Sino nga ba ang mga"Jejemon"? Sila ba yung mga elyen na galing sa planetang katorse, sa bente otso galaxy? Sino nga ba ang kanilang master? Ang kanilang "Bh0zXsC"? Ano kayang misyon nila dito sa Pilipinas at bakit tayo pa ang kanilang pinili? (NOTE: Pasensya na po at malaro ang aking utak at di ko alam kung bakit pumasok sa isipan ko itong istorya na ito. Actually, di naman sya kwento, may mga advice at mga kung ano anong may kinalaman sa jejemon ang naandito. Siguro'y marami ng nagagalit sa akin syan at huwag nyo po akong sisihen. At tsaka, alam kong pilit na pilit ang aking pagjejejemon, hindi po ako pinalaking jejemon eh, pasensya. At isa pa, hindi po ako isang magaling na author, di rin ako mahilig magbasa ng libro. Kaya pagpasensyaan nyo na kung korni ito.)