Tatlong taon na makalipas ang pagpanaw ng aking nobyo. At dalawa't kalahating taon din kame naging mag kasintahan. Masakit pa rin para sa aken ang nangyari, parang kahapon lang. Kaya ngayon nandito ako sa tapat ng kanyang libingan. Sa loob ng tatlong hindi ako pumalya na bisitahin siya sa araw ng kaniyang kaarawan. Pati na sa mga araw na pakiramdam ko nag-iisa ako, pumupunta ako sa kanya. Akala ko siya na talaga ang makakasama ko habang buhay pero sadyang madamot ang tadhana. Kinuha rin nito ang nagiisang tao na naging sandalan ko sa mahabang panahon. Tahimik akong nakaupo dito sa harap ng kanyang puntod. Magha- hapon na rin pero andito pa rin ako masayang binabalikan ang masayang alaala naming dalawa. Hindi ko mapigilan mapangiti ng mapait. Pero sadyang mapag laro ang tadhana. Sa panahon na hindi ko pinapahalagahan ang buhay ko, dun ko makikilala ang isang tao na magigigay dahilan para mabuhay ako. Sa panahon na handa na akong mawala ang buhay ko. Dadating siyat sasagipin ako. . .