Sabi nila wala daw sa itsura ang sukatan ng pag-ibig, nasa ugali daw. Kalokohan. Sa internet lang naman nagsasabi ng ganyan halos lahat ng kilala ko. Tanggapin na natin, lamang talaga ang mga pogi at magaganda kung pag-ibig lang ang pag-uusapan. Sa bagay, hindi rin naman talaga patas ang mundo. May mga mapapalad na pinanganak na may kaaya-ayang mukha. Ako? Pinanganak lang.
Anyways, baka kung saan pa mapunta itong usapan, ang kwentong ito ay tungkol sa karanasan ko sa letseng pag-ibig na iyan. Ako si Eugene, ang hopeless na hindi romantic, at ito ang aking kwento.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.