Living under the Microscope - [BL]✓
21 parts Complete Isang kasong tatlong taon ng hindi nasosolusyunan ay muling binuksan dahil sa isang krimeng walang kasagutan na tinatayang konektado sa malamig na kasong sinarado na. Isang artista na si Yuuskei Hawtson ay naitulak na makiusisa sa mundo ng mga krimen sa loob lang ng isang linggo. Dahil sa kasong kinakaharap kung saan nais niyang solusyunan, sa hindi inaasahan, kaniyang nakilala si Trevor Cross, isang private detective at isa sa mga humawak ng kaso.
Puno ng pagtataka't pangungulila, maraming katanungan ang tumatakbo sa isipan, solusyong makakapagturo sa salarin ang hinahanap ngunit ang nakaraang pilit na itinatago ang kaniyang nakalap.
Ano ang nag-aabang kay Yuuskei sa mundo ng mga krimen? May koneksyon ba ang kaso sa nakaraang nahukay? Makababalik pa kaya siya sa mundong kinagisnan o malulunod nang tuluyan sa kakaibang mundong napasukan?