Minsan sa buhay natin nakadadanas tayo ng saya, minsan din lungkot. Naranasan na rin siguro ng bawat isa na mainlove, at nakaranas na rin siguro tayo na ma heartbroken.
Sa buhay walang permanente may dadating at mayroon ding aalis, at sa buhay ko madami na akong napagdaanan pero di ko masasabi na achievement yun.
Pero buong buhay ko, ang tanging hiling ko ay sana makatagpo ko na ang Mr. Right ko, ang The One ko, ang taong kaya akong tanggapin kung sino ako at kung ano ako, at alam ko balang araw makikilala ko na ang lalaking magbubuo ng jigsaw heart ko.