Naranasan niyo na rin bang mangarap ng mataas? Yung tipong sa tingin ng iba ay parang imposibleng abutin pero pinilit mo pa rin ang sarili mong mapunta sa pangarap na yun? Kilalanin natin si Alyssa. Isang palaban at napaka-optimistic na babae na handang gawin ang lahat para lang matupad ang kanyang nag-iisang pangarap, yun ay ang makapaglibot sa iba't ibang lugar sa panig ng mundo. Puno ng panindigan siyang naniniwala na balang araw ay maaabot rin niya ang matagal niyang pinapangarap, na kahit ilang ulit na siya pinamukha ng ibang tao na imposible ay naniniwala pa rin siya sa kasabihan na "kapag gusto, may paraan; kapag ayaw, may dahilan". Pero paano kaya kapag isang araw ay makatagpo siya ng isang taong bigla na lamang susulpot sa buhay niya. Hahadlang kaya ito sa mga pangarap niya? O baka naman may mas higit pa ang mangyayari na di naman niya inaasahan?All Rights Reserved