Paano ko ba ipaglalaban ang isang taong may ibang ipinaglalaban? Paano ko nagagawang piliin siya ng paulit-ulit kung ni minsan hindi manlang ako nasama sa pagpipilian niya? Paano ko pipiliin ang isang taong mayroon ng ibang pinili? Hanggang kailan ko kayang maghintay sa taong ilang taon nang naghihintay sa iba? Napakaraming tao sa mundo, pero isa lang ang gusto ko. At ang lalaking 'yon ang sagot sa lahat ng tanong ko. Ang lalaking 'yon ang pilit kong ipinaglalaban, ang matagal ko ng hinihintay, ang laman ng bawat dasal ko at ang lalaking pipiliin ko ng paulit-ulit. Pero... Paano naman ako? Pwede bang ako naman? Kailan magiging ako? Mayroon bang ipaglalaban ako? May naghihintay ba sa akin? Keailan ako pipiliin? Kailan? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ S: 05/04/20 E: --/--/--