"The Past cannot be changed, forgotten, edited, or erased; it can only be accepted ".
Nakakatakot ang ganitong pakiramdam na parang gumagalaw ako sa panahon na ito. Ngunit parang may hinahanap yun sarili ko. Hindi ko maintindihan parang nabuhay na ako sa dating panahon. Parang may natatagong sekreto sa pagkatao ko. Kung ipis man ako o daga dati, eh wala naman ako magagawa. Pero mas ibang pakiramdam yung nararamdaman ko. Isang malalim at mabigat na pakiramdam, na tipong pasan ko na ang mundo. Laki ng problema ko para isipin ang mga bagay na ito pero medyo kumplikado na ito dahil malaki na ako at nahihimay ko na ang ganitong pakiramdam.
Makalabas nga ng bahay at mkapaglakad lakad. Bilog na bilog ang buwan parang hinahatak ako sa malayong lugar na hindi ko alam. Hay' napapatula na namn ako sa aking kaisipan. Ano kayang paraan para mapagdesisyunan ko ang bagay na ito. Hindi habang buhay dadalhin ko ito, dapat ay mga sensyales o kaya pagdesisyunan ko ito kung itutuloy ko na isipan pa ito o tigilan ko na para makapagfocus pa ako sa mga gusto ko pang gawin sa buhay ko. Gusto ko pa tumugtog sa malaking Arena Rock Scene ang banatan! Opps! Ano itong naapakan ko? Piso? Teka, ahhh Alam ko na! Magtotoss coin ako para mapagdesisyunan ko to! Tao o Ibon. Syempre Tao ako Ahahhaa! Let's go! One! Two! Three!
"Hatsing"! Sa kwento ito ay matutunghayan niyo ang paglalakbay ni Redd. Mula sa pagtuklas niya sa kanyang pagkatao at ang tunay na kahulugan ng responsibilidad sa pamilya at sa buong sangkatauhan. At paggawa ng mahihirap na desisyon sa buhay.
Naway kayo ay masiyahan at makarelate sa kwentong ito. Maraming salamat.
"Tinitingnan ang kinabukasan nakasulat sa may kalawakan".
"Habang ang may gawa ang siyang pinag iisipan".
"Hindi makita, hindi mahawakan, hindi malaman".
"Kundi ang dasal ang siyang pinanghahawakan".
-Takda