Ang buhay ng tao ay isang mahabang proseso ng tagumpay at pag-asenso. Kailan mo nga ba masasabing nakamit mo na ang lahat at kuntento ka na sa buhay mo? Kapag mayaman ka na? Kapag may sarili ka nang pamilya at may lalaki ng nagmamahal sa'yo? Kung mamatay kang mahirap, hindi ka ba nag- tagumpay? Kung nagkaroon ka lang ng maikling buhay, isa bang kabiguan 'yon? Paano naman kung may bahay at lupa ka ng sarili o 'di kaya nangungupahan ka lang, alin sa dalawang ito ang masasabi mong wala ng iba pang hinahangad? Kapag naka-achieve ka ba ng kahit maliit na bagay, success na bang matatawag yun? Huling sandali mo na lamang ba sa mundo ang matitira kapag nakasagupa mo na ang huling laban ng iyong buhay? Madaming katanungan at kasagutan mula sa iba't-ibang tao, organisasyon o kahit pa sa isang paniniwala, pero alin at sino nga ba ang tama o mali? Pero sa lahat ng kumplikadong bagay na ito, isa lang ang nais kong masagot. When do we can finally say that this is, the FINAL BATTLE of our life?