Ang tingin ng karamihan ay isa lamang syang mahina at pabigat na isip bata.
Dahil sa kanyang personalidad na pagiging masiyahin, makulit at bansag sa kanyang isip bata o childish
Pero isang madilim at kasindak sindak na katauhan ang pilit ikinukubli sa likod ng kanyang mapanlinlang na kainosentihan.
Palaging nauusisa, kung kaya'y pilit hinahanap ang walang kasiguraduhang sagot ng mga katanungan
Ngunit sa kanyang misyon ay may isang taong gugulo sa kanyang isipan at pilit bubukas sa kanyang tila tulog na damdamin na minsan ay hindi pa nahuhulog ninoman.
Gigising ba sa diwa ng pagmamahal ang tulog na puso? O mas mapapalalim lamang ang pagkakatulog nito sa kabila ng madilim na pangyayari ng kanyang buhay.