Kinikilig Kong tinitignan ang pitong taon ko ng crush na si Jason Velaluz ,isang sikat na varsity player at nag-iisang anak nang pinakamayamang negosyante sa bansa "H-hi J-jason For Y-you" Biglang napabaling ang tingin ko sa isang babeng lumapit bigla kay Jason na may dala pang Box of cupcake na alam ko namang itatapon lang ni Jason. Bokya!Hindi ako nagkamali dahil tinapon nga niya Ito ,Haisst Kawawang Cupcake masarap pa naman siguro yun "Huy!!" Bigla akong napatili ng may biglang gumulat sakin at handa ko na sanang singhalan ng mapagtanto ko kung sino "Ryan Naman!!Kainis oh!" Nakamaktol Kong sabi dito pero tinawanan niya lang ako "Para ka talagang Ewan Diyan,Inispy mo na naman yang Jason na yan?Hindi ka na nadala " Malakas na sabi nito kaya nanglalaki ang matang tinignan ko siya at hinila papalayo doon sa punong tinataguan ko Hila hila ko parin siya habang nanglalakad ng mabilis sa hallway papuntang canteen .Kainis naman to oh!Ipasigawan ba namang stalker ako ni Jason !kahiya Pagpasok namin sa canteen dali dali Kong nilibot ang tingin sa isang bakanteng lamesa at doon umupo "Hoy!John Ryan Buenaventura !!Wag mo akong pakikielaman ha!Kailangan talaga doon mo isigaw " mariing sabi ko dito habang masama siyang tinitigan .Bigla namang sumeryuso ang mukha niya. "Hindi kita pinapakealaman ,alam mo yan,Gusto lang kitang paalalahanan.Hindi ka pa ba nadala sa kakasunod mo diyan sa Jason na yan?,Alalahanin mo Ng Dahil Sa Jason Na Yan Muntikan Ka Nang Mapahamak .Kung Di lang kita kaibigan inupakan ko na yang Jason na yan" Seryusong sabi nito sakin na nagpatahimik sakin Yumuko ako at nagbuntong hininga .Hinding Hindi Ko malilimutan ang araw na yun.Hinding HindiAll Rights Reserved