[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag na huwag kang magpapakita" gusto ko siyang murahin. Gusto ko syang saktan katulad ng pananakit nya sa akin pero hindi ko magawa. "Elle please, patawarin mo a-" sinampal ko ulit sya, yung mas malakas. "Kung hindi ka aalis ako ang aalis" nagmadali akong kunin ang phone ko sa kama na naibato ko sa mukha nya kanina at ang bag ko. Hindi nya ako hinabol, base sa pagkakakita ko sa mata nya walang bahid na pag sisisi at walang ka sinseridad ang paghingi nya sakin ng patawad. Nasa jeep ako ng may matanggap akong text galing sa hindi ko kilalang numero. "Thankyou for giving me Kier. Mas kailangan ko siya ngayon, kaya mong mabuhay mag isa at ako kailangan namin siya" BULLSHIT!!!