Si Yamashita Tenorio ay isang ordinaryong dalaga na nagkakaroon ng maraming crush, isa na dun sina Gideon na hinahangaan nya simula nung silay mga bata pa lamang pero napawi rin ang paghanga nya dito nung nagkaroon ito ng kasintahin. Si James na best friend ni Gideon ay naging crush nya nung tumuntong sya ng high school. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala nya si Virgel Cordova na mas matanda sa kanya ng ilang taon. Magugustuhan nya kaya ang lalaking pasulpot sulpot lang sa buhay nya? Sa lalaking nilulunod sya sa mga titig nito? Sa lalaking may tinatagong lihim.