halika, tayo'y mag-bayle. pagsaluhan na'tin ang aking mga itinimplang salita at baka sakali'y mabago ang puso't isip mo, sinta. sumayaw tayo sa paborito mong kanta, umikot na para bang huli na ang mga ngiting aking makikita. halika, tayo'y mag-bayle sa paborito mong kanta. mag-tampisaw, mag-tanong, hanggang kaibigan lang ba? isang daang tula, at mananatili ako sa susunod na walo, sinta.All Rights Reserved