Ang maakusahang kriminal na siguro ang bagay na maitituring nating sukdulang kamalasan na maaring mangyari sa ating lahat. Iyan ang sinapit ni Jach nang maka-tungtong siya sa pinapangarap niyang paaralan. Ang BrightWell University, paaralan ng mga nangangarap maging sikat. Ang akala ni Jach na pagkakataon para maging isang sikat na artista ay mag-babago sa oras na maakusahan siyang suspek sa pagka-matay ng isang estudyante sa paaralan nila. Ngunit ituturing mo bang kamalasan ang maging isang suspek sa isang murder kung kapalit naman nito'y may matutuklasan ka namang sikreto na kahit na sino'y wala pang nakaka-alam?