May isang grupo ng magkakaibigan sa isang paaralan. Sila ay tinatawag na "dream team" sapagkat nasa grupo na yata nila ang lahat. Anim ang original members ng grupo, sina Justin Aquino, Jerome Lopez, Bea Perez, Jenny Bautista, Jasmine Ramos, at Angel De Leon. Nag-umpisa ang grupo nila noong 1st year high school, dahil lahat sila ay mula sa pilot section. Ito yung grupo na papangarapin mo maging kagrupo. Walang tapon sa mga group activities dahil lahat sila ay may kaniya-kaniyang role. Iisa lang ang common sa kanilang lahat-lahat sila ay matalino, may utak. Ngunit nang mag-2nd year high school, lahat sila ay pilot section pa rin, maliban kay Bea. Dahil napunta sa ibang section, nagbago ang tingin ni Bea at kinalaunan ay lumayo na ito sa grupo. Nagpatuloy naman ang lima bilang "dream team". Sa 2nd year high school nila, mula sa lima ay nadagdagan sila ng dalawa-sina Erica Garcia at Christine Rivera. Hanggang sa mag-3rd year sila ay napagdesisyunan nila na hanggang sampu lamang ang magiging final members ng grupo. Huling nadagdag sina Ian Castillo, Nicole Villanueva, at Hannah Santos. Halos pagharian na nila ang buong skwelahan. Bago mag-graduation day ay may nagpakalat ng issue na akala nila ay sisira sa dream team.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.