Loving can be very beautiful....but it can also be very painful.. Aura is a typical teenager..tingin niya sa sarili ay isang ordinaryong babae, ang mga kaibigan niya ay kung hindi ubod ng gaganda ay talagang napakagaganda bukod pa sa anak ng mayayamang pamilya sa kanilang bayan. Hindi nga niya maintindihan kung bakit kabilang siya sa grupo ng mga ito gayong ordinaryo lang naman ang mukha niya at lalong hindi siya anak mayaman. Ang mga magulang niya ay magsasaka sa lupain ng mga El Greco, ang pinakamayaman at makapangyarihan pamilya sa bahaging iyon ng Norte. Sa katunayan ay ka-schoolmate niya ang nagiisang anak na lalaki ng mga El Greco, si Gabriel Thaddeus at ang bunso namang babae ay kaklase niya, Si Gianna Thadenne. Paaral siya ng mga El Greco kaya naka pasok siya sa Private school na iyon na kung tutuusin ay para lang talaga sa mayayaman sa kanilang bayan..Mababait ang El Greco lalo na si Gianna na bestfriend ang turing sa kanya. Ngunit iba si Gabriel, ni hindi siya magawang ngitian ng binata sa tuwing magkakasalubong sila. But Aura didn't mind, masaya na siyang masilayan ang binata kahit na sa malayo. She knew na sa batang edad, higit pa sa simpleng paghanga ang nararamdaman niya para sa binata..she knew she love him and the feeling was so beautiful..she was very happy...but that feelings also caused her the pain she didn't knew existed.