Yellow Series #1; Lucky You
9 parts Ongoing Samantha! Samantha! Andyan na si, Kevin" napatingin ako sa labas ng classroom at nakita kung nag la lakad si Kevin, hawak ang isang plastic.
"Anong ginagawa niya dito?" tanong ko sa sarili.
"Hi Babe" masaya nitong sambit.
"Hi" nakangiti kung sambit.
"Meron akong dalang snacks, Babe. Gusto mo?" napatingin ako sa dala niya.
Chocolate donut na bini- benta sa labas ng paaralan. Isa ito sa favorite ko kapag luma labas kami.
"Thank you, babe" agad ko itong nilabas sa plastic, saka siya umupo sa tabi ko.
"Hi, Drea" bati nito sa kaibigan ko na ka klase ko.
"Hi, Kevin. Si Jin-o, asan?" ayan na naman siya sa koreanong playboy na kaibigan ni, Kevin.
Agad ko naman siyang siniko kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti lang siya saka binaling ang tingin kay, Kevin.
Kapag ako nairita na sa kaka Jin-o, niya. E ta takwil ko siya bilang kaibigan. Alam na naman niyang playboy yung tao, eh.
"Nasa Class D, kasama si Rio" si Rio, ang isa sa kaibigan nila. Tatlo lang sila at subrang solid ng samahan nila. Si Jin-o lang ata ang playboy sa kanila.
"Tss. Pinuntahan na naman niya yung bruhang Mylen, na iyon. Bahala siya sa buhay niya" Hindi ko alam kung ma tatawa ba kami ni Kevin, sa kanya pero pinigilan na lamang namin.