Ano bang kulang sa akin?" 'Yan ang laging tanong ni Avril sa kanyang sarili. Ano nga bang kulang sa kanya at nagawa siyang iwanan ng mga dati niyang nobyo? Limang Tao,limang pagmamahal, limang panahon at limang sakit ang dumaan. Nagmahal siya ng tapat at tunay, ngunit bakit palagi na lamang siyang na iiwan na luhaan? Ngunit paano kung bumalik ang limang 'yon at sabihing may nararamdaman pa sila para sa kan' ya? Magagawa ba niyang magpatawad at magmahal ulit? Ngunit sino ang pipiliin niya? Avril Leviste, pangalan ng babaeng halos perpekto. Siya ay maganda, matalino, masipag, mapag mahal, mabait at mapagbigay. Halos lahat ng M nasa kanya na,ngunit siya ay may pagka TANGA. Palaging puso ang ginagamit at hindi isip.