Umamin ka na ba sa kaibigan mo na crush mo siya? At hindi lang crush, kundi baka nga mahal mo na? Pero nung umamin ka sa kaibigan mo ay umiwas siya't iniwan kang nag-iisa? Kung hindi, wala akong pake. Pero kung oo naman ang sagot mo, edi ramdam mo ang pusong wasak ni Jessa Munchaka?
Maingay, madaldal, pilosopa, ipokrita, bungangera, chismosa, basagulera at assumera-- (Siya raw ang Reyna nang Tondo, assumera talaga ang bruha.) At take note! NBSB pa raw siya 'no! Taray! Pero 'No Boobs Since Birth' pala! Ipokrita nga!
Ang Fairytale kuno nang bruha ay mag-sisimula sa isang ka-shungahan at ka-assumerahan na magdadala sa kan'ya sa isang pangyayaring hindi niya inaasahan. May makikila siyang isang jejemon na matanda na feeling teenager na isa palang taong linta, (joke lang 'yung taong linta, basahin niyo na lang. XD) may ibibigay itong bulok na bagang (joke lang ulit,) na magpapa-bago at magpapa-saya sa buhay nang chakang si Jessa.
Pero anong gagawin niya kung isang araw, may dadating na isang babaeng higad na magbibigay sa kan'ya nang walong dodo sa mukha dahil hindi nagustuhan ang binigay nang jejemong matanda? At dahil sa walong dodo sa mukha nito, magugulo pa lalo ang magulong mundo nang chakang si Jessa!
Pa'no na lang ang buhay niya kung magka-ro'n siya nang ganitong uri nang ka-churvahan? Makayanan kaya niyang magkaro'n nang walong dodo sa mukha sa buong buhay niya? Malunasan kaya niya ito?
Samahan si Jessa Munchaka sa kan'yang magulong mundo at kung pa'no niya malulunasan ang walong dodo sa mukha niya! Dito lang sa chaka niyang Fairytale kuno!
Ang Fairytale Ni Jessa Munchaka!
written by Blue_Fetter
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.